56-anyos tiklo sa P6-M shabu

MANILA, Philippines - Isang 56-anyos na lalaki ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang entrapment operation at nasamsam dito ang isang   foil pack na may label na refined tea  na naglalaman ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6 milyon sa Lapu-lapu City, Cebu.

Kinilala ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña ang suspek na si Rogelio Romo na agad dinakip nang bentahan ang isang poseur buyer ng 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P300,000 sa  Barangay Agus, Lapu-Lapu City, Cebu.

Bukod sa shabu na nakuha sa loob ng tea pack, nakakumpiska rin ang PDEA ng iba’t ibang drug paraphernalias gamit sa pag-repack ng shabu at 170 piraso ng  M16 live ammunition.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II, Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa  RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition).

Show comments