DU30 pinirmahan na ang P1-K SSS pension hike

MANILA, Philippines - Nakatakdang matanggap ng nasa mahigit 2 mil­yon pensioner ng Social Security System (SSS) ang P1,000 pension increase matapos na ito ay aprubahan ng Malacañang kahapon.

“Upon representations made by SSS, and subject to existing laws, rules and regulations, please be informed that the One thousand pesos (P1,000) increase in benefits of qualified SSS retirees, survivors and permanently disabled pensioners effective January 2017 has been approved,” wika pa ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Magugunita na ina­prubahan ni Pangulong Duterte ang pagkakaloob ng P1,000 na pension hike sa mga SSS pensioners noong Enero sa kabila ng pagsalungat dito ng kanyang mga economic advisers.

Ang orihinal na panukala sa Kamara ay P2,000 increase sa pension ng mga SSS retirees subalit tinutulan ito ng SSS board gayundin ng economic advisers ni Pangulong Duterte hanggang sa magdesisyon ang chief executive na aprubahan nito ang P1,000 pension hike.

Ipinaliwanag pa ni E­xecutive Sec. Medialdea na retroactive mula Enero 2017 ang pension hike sa SSS retirees gaya ng pangako ni Pangulong Duterte.

Show comments