Tatay maysakit, anak nag-suicide

MANILA, Philippines -  Posibleng matinding depression ang tumama sa isang 20-anyos na binata dahil sa pagkakaroon ng sakit ng kanyang tatay kaya’t nagawa nitong magpakamatay sa pamamagitan nang pagtalon mula sa ikalimang palapag ng isang mall sa Bajada, Davao City noong Sabado ng umaga.

Ang nasawi ay kinilalang si Rheyn Mark Tubato, out-of-school youth, ng Kilometro 9, Sto, Niño Riverside, Brgy. Sasa ng lungsod.

Bago naganap ang pagpapakamatay ng biktima dakong alas-10:05 ng umaga ay inutusan ito ng kanyang tatay na bumili ng gamot para sa sakit nito.

Subalit, hindi na nakabalik ang biktima hanggang sa nabalitaan na ito ay nagpakamatay na.

Show comments