Drug education program, pinalakas ng DepEd

MANILA, Philippines – Upang huwag malulong o subukan ng mga estud­yante na tumikim ng anumang uri ng ipinagbabawal na gamot, higit pang pinalakas ng tanggapan ng Department of Education (DepEd) ang kanilang pagtuturo sa mga kabataang mag-aaral.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, inatasan na niya ang lahat ng school, superintendent, principal at mga guro sa buong bansa na tumulong sa kampanya ng Duterte administration laban sa illegal drugs.

Sinabi ni Briones, iniutos na niya ang pagpapaigting sa National Drug Education Program (NDEP) ng kagawaran sa pamamagitan ng ‘holistic approach’ para  sa  prevention at elimination ng drug menace sa bansa.

Inihayag ng opisyal na  may limang components na ipinatutupad ang NDEP upang magkaroon ng kamalayan ang bawat isang mag-aaral hinggil sa epekto ng droga sa mga kabataan  na kinabibilangan ng curriculum at instruction; co-curricular at ancillary services; teacher at staff development;  parent education at community outreach; gayundin ang research, monitoring, at evaluation.

 

Show comments