Mga Gabinete na tutol sa Marcos burial sa LNMB, hindi magbibitiw

MANILA, Philippines - Kahit tutol ang mga maka-kaliwa na miyembro ng Gabinete ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa pagpapalibing kay da­ting Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay hindi magbibitiw ang mga ito sa puwesto.

Nanatili sa Gabinete ni Pangulong Duterte sina DSWD Sec. Judy Taguiwalo, DAR Sec. Rafael Mariano, NAPC head Liza Maza at NCUP chief Terry Ridon.

Nilinaw ng mga nasabing opisyal sa Duterte government na kahit tutol sila sa pagpapalibing kay FM sa Libingan ng mga Bayani ay mananatili pa din sila sa gabinete ng Pangulo.

“I am serving because there are certain things that we agree upon in terms of providing services to our people. So habang kaya kong magawa ‘yan, at habang kaya niya ang aking ilang mga panindigan na hindi angkop sa kaniyang sinasabi, we can work together,” paliwanag pa ni Sec. Taguiwalo.

Maging si Vice-President Leni Robredo na itinalaga ni Pangulong Duterte bilang HUDCC chief na tutol din sa pagpapalibing kay FM sa Libingan ay hindi din nagbitiw sa gabinete.

Show comments