Lisensiya ni De Lima sa pagiging lawyer pinasususpinde sa SC

MANILA, Philippines - Naghain ng supplemental complaint si  Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) chairman Dante Jimenez sa Korte Suprema para suspendihin ang  lisensiya  ni Senador Leila De Lima sa pagka-abogado kasunod nang pag-amin na nagkaroon sila ng relasyon ng driver nitong si Ronnie Dayan.

Batay    sa supplemental complaint  na inihain ni VACC chairman Dante Jimenez, kailangang pansamantala munang suspendehin ang lisensiya ng senadora hanggang maresolba ang kanyang disbarment case.

 Inakusahan din ng mga compainants si De Lima ng gross immorality dahil sa naging relasyon nila ni Dayan na uma­ming nangongolekta ng pera sa self-confessed drug distributor Kerwin Espinosa na umano’y gina­mit ng senadora bilang campaign fund noong May elections.

 Matibay na basehan na umano ang  pag-amin  ni De Lima sa kanyang pakikipagrelasyon kay Dayan upang suspindihin ang pagiging abogado nito hangga’t hindi natatapos ang  kasong disbarment.

Laman din ng supplemental complaint ang mga text message ni De Lima sa anak ni Dayan na si Hannah Mae na pinayuhan si Ronnie na huwag dumalo sa imbestigasyon ng Kamara kaugnay ng paglaganap ng droga sa New Bilibid Prison (NBP).

  Ipinagkibit-balikat naman ni De Lima ang hakbang na tanggalan siya ng lisensiya at sinabing bahagi ito ng “circus” ng Duterte administration.

 Tinawag pa niyang “clowns” ang mga complainants na sina National Bureau of Investigation (NBI) deputy directors Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala, jueteng whistleblower Sandra Cam at Jimenez.

 

Show comments