Tserman tinaniman ng 12 bala

MANILA, Philippines - Sa mismong tapat ng kanilang bahay pinagbabaril si Brgy. Bued Chairman Salvador Camba ng Alaminos City, Pangasinan, kamakalawa.

Batay sa ulat, dakong alas-8:15 ng gabi ay nakatayo sa tapat ng bahay ang biktima nang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon ang mga suspek na sinamantala ang kadiliman ng gabi.

Nabatid na ang biktima ay aktibo sa krusada ng pamahalaan kontra droga sa kanilang lugar.

Show comments