Tiniyak ni Pangulong Duterte na maibabalik na sa lalong madaling panahon ang karapatan ng mga Pinoy na makapangisda sa pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal sa West Philippine Sea matapos ang pakikipag-usap sa mga opisyal ng China nitong nakalipas na linggo.
PPD/Ace Morandante
Iginiit sa Chinese officials... ‘Scarborough amin yan! - Digong
AT GROUND LEVEL - Ellen Fernando, Rudy Andal (Pang-masa) - October 24, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Sa pagdalaw kaha­pon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga biktima ng bagyong Lawin sa Cagayan ay inihayag nito sa mga tao doon na sa pakikipagpulong niya sa mga Chinese officials kabilang si President Xi Jinping ay iginiit na sakop ng teritoryo ng Pilipinas ang Scarborough Shoal.

Tiniyak ni Pangulong Duterte na maibabalik na sa lalong madaling panahon ang karapatan ng mga Pinoy na makapangisda sa pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal sa West Philippine Sea matapos ang pakikipag-usap sa mga opisyal ng China nitong nakalipas na linggo.

“Ang China ang sabi nila amin ‘yan. Sabi ko amin man din ‘yan,” wika pa ni Pangulong Duterte kahapon sa Tuguegarao, Cagayan.

“Ang pagkaalam ko pinaalis na rin niya (Xi) iyong mga Chinese na fishermen para wala nang makita diyan. Iyon ang pinag-usapan namin,” paliwanag pa ng Pangulo.

“We will just wait for a few more days, baka makabalik na tayo doon sa Scarborough Shoal.. [sa] pangingisda ng ating mga kababayan,” dagdag pa nito.

“Wala po kaming pinag-usapang armas, wala kaming pinag-usapang giyera giyera. Pinag-usapan namin paano tayo magtutulungan. We will just wait for a few more days, baka makabalik na tayo doon sa Scarborough Shoal, sa pangingisda ng ating mga kababayan,” wika ni Pangulong Duterte.

Magugunita na nagtungo si Duterte sa China para sa kanyang 4-day state visit mula October 18-21.

Ipinagmalaki rin ng Pa­ngulo na naging ma­ta­gumpay ang kanyang biyahe sa China kung saan ay aabot sa $24bilyon na soft loans at investment ang nakuha ng bansa.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with