Dalaga bumagsak sa exam tumalon mula sa ika-4 na palapag ng hotel
THE EAR - Ludy Bermudo (Pang-masa) - October 20, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang 23-anyos na dalaga matapos itong tumalon mula sa ika-4 palapag ng isang hotel sa Ermita, Maynila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Joanna Gaytona, ng Guzman St., Quiapo, Maynila.

Nabatid sa isang front desk officer ng Tropical Mansion Hotel na kasama ng biktima ang ina nito nang sila ay manuluyan sa nasabing hotel at nagulat na lamang ang ina nang tumalon ang anak dakong ala-1:40 ng hapon.

Ayon kay P/Supt. Albert T. Barot, hepe ng Manila Police District-Station 5, tumanggi namang magpa-imbestiga ang kaanak ng biktima na umano ay dumanas ng matinding depression bunga ng pagkakabagsak sa Psychology Licensure Examination ng Professional Regulation Commission  (PRC) kaya’t ito ay nai-confine sa Philippine General Hospital (PGH) mula Setyembre 24, 2016  hanggang Oktubre 11,2016.

PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with