5 pulis dinukot ng NPA Rebels
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - April 18, 2016 - 10:00am

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga pinaghihinalaang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang limang pulis kabilang ang isang opisyal kamakalawa   sa Purok 5, Brgy. Mapula, Paquibato District, Davao City.

Ang mga pulis na dinukot ay kinilalang sina P/CI Tarongoy, hepe ng Paquibato Police Station na nakabase sa Brgy. Malabod at mga tauhan nitong sina PO3 Cabuenas; PO3 Ali; PO3 Pachete at PO2 Arellano.

Lumalabas sa imbestigasyon, papunta sa detachment ng CAFGU sa Kiman-aw sa Paquibato District, Davao City ang mga pulis na lulan ng patrol car para magsagawa sana ng pagsisiyasat matapos na atakihin ng mga rebeldeng grupo ang Cafgu detachment sa Paquibato District, Brgy. Salapawan nang harangin ng mga rebelde.

Hindi naman isinama ng mga rebelde ang drayber ng patrol car na isang civilian paid driver na si Ronald Dordas, 53-anyos.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with