Col. Marcelino kinasuhan sa gun ban

MANILA, Philippines – Nadagdagan ang kasong kinakaharap ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino matapos sampahan ng paglabag sa election gun ban ng PNP-Anti Illegal Drugs Group sa Department of Justice.

Ayon sa PNP AIDG,  paglabag sa election gun ban  ay nang makuhaan si Marcelino ng mga baril na walang mga kaukulang papeles nang maaresto sa drug bust operation nuong January 21 sa Maynila.

Magugunita na unang kinasuhan si Marcelino at dating interpreter ng PDEA na si Yan Yi Shou ng illegal drugs.

Show comments