Biyuda shinotgun sa higaan

MANILA, Philippines – Sa mismong higaan ng kanyang silid nasawi ang isang 61-anyos na biyuda na si Rosita Amado  matapos na ito ay barilin ng tatlong beses ng shotgun ng hindi pa kilalang suspek na pumasok sa kanyang bahay sa Purok 1, Brgy. Baay, Labo, Camarines Norte, kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi ay mahimbing na natutulog ang biktima ng ito ay pasukin ng isang lalaki na armado ng 12 gauge shotgun at walang kaabog-abog na binoga ng tatlong ulit ang biktima na agaran nitong ikinasawi.

Show comments