Lalaki itinumba sa Barangay Culiat

MANILA, Philippines – Isang bangkay ng lalaki na may tama ng bala sa ulo ang natagpuan sa bisinidad ng Lanao Street, Al Salaam Mosque Compound sa Barangay Culiat, Quezon City kahapon ng umaga.

Sa ulat ni PO2 Roldan Cornejo ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, walang nakuhang pagkaka­kilanlan sa biktima na nakasuot ng pulang polo shirt, puting short pants, nasa edad  25-30, at may taas na 5’3 pulgada.

Ipinaabot naman sa himpilan ng pulisya ang natagpuan ni Barangay tanod Nanjie Macarampat matapos makatanggap ng ulat mula sa ilang residente.

Sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives, lumabas na may tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima.

 

Show comments