Mag-ina patay sa car crash

MANILA, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 45-anyos na real estate agent at ina nito habang pito naman ang malubhang nasugatan matapos sumalpok ang kanilang sasakyan sa punungkahoy na nasa gilid ng highway sa Barangay Alaguia, bayan ng Lal-lo, Cagayan noong Sabado ng umaga. ?

Kinilala ang mag-inang namatay na sina Ferdinand Simbra at Elisa Simbra, 80.

Nasa kritikal na kalagayan na inilipat sa Cagayan Valley Medical Center ang mga biktimang sina Zebriena Simbra, 1; Zharina Simbra, 4; Nicole Simbra, 22; Hanna Joy Simbra, 11; Felimon Simbra, 38; Jonathan Pasos, 15; at si Ma. Antonette Fantolgo, 48.?

Ayon kay SPO1 Gilbert Columna, patungo sana sa bayan ng Allacapan mula sa Tuguegarao City para magpatingin sa albuyaryo ang namatay na si Elisa lulan ng SUV (WNW 977) nang big­lang kumabig pakaliwa ang sasakyan kaya sumalpok sa punungkahoy dakong alas-9:30 ng umaga.?

Patay agad ang driver na si Ferdinand habang naipit naman ang nanay nitong si Elisa sa harapan ng sasakyan.

Show comments