Pulis todas sa sariling baril

MANILA, Philippines – Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang pulis nang aksidenteng makalabit nito ang sari­ling baril at tumama sa kanyang ulo kamakalawa sa Camp Ramon Onahon, Malaybalay City, Bukidnon.

Ang nasawi ay kinila­lang si SPO1 Dale Dazo, nakatalaga sa Bukidnon Provincial Police Safety Company (PPSC).

Batay sa ulat ng Bukidnon Police, bago nangyari ang insidente dakong alas-2:28 ng hapon sa loob ng kampo ay kasalukuyang nakaupo ang biktima sa labas ng kanilang barracks kasama ang ilang pulis  na tinukoy lamang sa mga pangalang PO3 Sularan, PO1 Benito, PO3 Dumotan, PO1 Paulin at PO1 Sioquim nang aksidente umanong makalabit ng biktima ang gatilyo ng kaniyang cal. 9 MM pistol at nasapol ito sa ulo.

Nakatakdang isai­lalim sa paraffin test ang mga pulis na naroon nang maganap ang insidente upang mawala ang pagdududa na may foul play sa kaso.

Show comments