^

Bunso nabaril ni kuya, patay

Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - January 24, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Napatay ang 3-anyos na totoy matapos itong mabaril ng kanyang kuya na sinasabing pinaglaruan ang isang baril sa kanilang bahay sa Barangay Longilog, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur noong Sabado ng umaga.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang napatay na si Ralph Stephen Montiel habang nasa pangangalaga naman ng lokal na sangay ng DSWD ang 5-anyos na suspek na itinago sa pangalang James.

Nabatid na naglalaro ang magkapatid sa paligid ng kanilang bahay nang magtungo sa loob ng kuwarto ng kanilang lolo na natutulog.

Binuksan ng biktima ang aparador ng kanilang lolo at kinuha ang cal. 45 pistol saka inabot sa kanyang kuya.

Gayon pa man, itinutok ng suspek ang baril sa kanyang utol kung saan biglang pumutok at tumama sa dibdib ng biktima.

Isinugod naman sa Sibud County Hospital subalit idineklarang patay.

ANG BARANGAY LONGILOG BINUKSAN CAMP CRAME GAYON ISINUGOD NABATID NAPATAY RALPH STEPHEN MONTIEL SIBUD COUNTY HOSPITAL ZAMBOANGA CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with