^

Police Metro

Duterte nakipagpulong sa NPC

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakipagpulong  si presidential bet Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa partidong Nationalist People’s Coalition (NPC) kamakalawa ng gabi.

Ito ang sinabi ni Davao City Rep. Karlo Alexie Nograles, na ang  pagpupulong ay tumagal ng mahigit  dalawang oras sa mga opisyal at miyembro ng NPC sa kanilang headquarters sa Quezon City.

Sa nasabing pagpupulong ay inilahad umano ni Duterte ang kanyang mga plataporma de gobyerno sakaling manalo ito sa May 2016 presidential race kabilang na dito ang pagsugpo sa problema sa droga sa buong bansa.

 Gayundin, ang pagpuksa sa krimen na gagawin umano ng alkalde sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan simula sa pag-upo nito sa Office of the President.

Tinalakay din sa pagpupulong ang suliranin ng buong mundo tungkol sa terorismo, pang aagaw ng China sa Spratly Islands, maging ang mga solusyon sa agricultural sector, irrigation, manufacturing, energy sector at marami pang iba.

Dahil sa free for all discussion ay maraming tanong ang ibinato kay Duterte at direkta din nitong sinagot ang mga katanungan.

Ayon pa kay Nograles kung ang desisyon ng NPC na suportahan o hindi si Duterte ay masaya umano siya na nakilala ng mas malalim ng partido ang mayor.

vuukle comment

ANG

AYON

DAHIL

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DAVAO CITY REP

DUTERTE

KARLO ALEXIE NOGRALES

NATIONALIST PEOPLE

OFFICE OF THE PRESIDENT

QUEZON CITY

SPRATLY ISLANDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with