3 mangingisda binoga ng sekyu
Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 8, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pinagbabaril ng isang sekyu ang tatlong ma­ngingisda na kung saan isa ang nasawi matapos na sila ay mahuling nagnanakaw sa isang barge kahapon ng madaling araw sa South Harbor, Port Area, Maynila.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Michael Garcia, 39, ng B 4 Baseco Old Site, Port Area, Maynila.

Habang nakaratay ang dalawang kasamahan nito matapos masugatan na sina Leonardo Eson at John Paul.

Sumuko naman ang suspek na si Jeffrey Toralba, 28, no. 30 F. Road 5, Fairview, Quezon City na nakatalagang sekyu sa barge na nakadaong sa Manila Bay.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga nang maaktuhan ng sekyu ang tatlo na inililipat ang mga kahoy na ninakaw mula sa barge patungo sa bangka nila.

ANG BASECO OLD SITE JEFFREY TORALBA JOHN PAUL LEONARDO ESON MANILA BAY MAYNILA MICHAEL GARCIA PORT AREA QUEZON CITY SOUTH HARBOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with