Tulak inambus, kritikal

MANILA, Philippines – Nakikipagbuno kay kamatayan ang isang drug suspect matapos itong ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa madilim na eskinita sa Barangay Rosario, Santiago City, Isabela noong Miyerkules ng hatinggabi?.

Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang isa sa motibo sa pamamaril kay Cris Leonen na sinabayan ng gunmen habang sakay ng kanyang motorsiklo.

Sa inisyal na ulat na nakarating kay P/Supt. Ale­xander Santos, narekober sa bulsa ng pantalon ni Leonen ang ilang drug paraphernalia at pampagana sa sex nang isugod ito sa ospital dahil sa tatlong tama ng cal. 45 pistol sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. ?

Nabatid na si Leonen ay isa sa mga nasa drugs watchlist ng pulisya na sinusubaybayan sa nasabing lungsod.

Show comments