22-anyos kulong sa pagbuntis sa nobyang 14-anyos

MANILA, Philippines - Sa kulungan magpapasko ang isang 22-anyos na lalaki na si Rizalde Ursal ng Baseco, Port Area matapos na arestuhin at ikulong nang  ipagharap ng kasong child abuse ng ina ng 14-anyos na nobya nito na kanyang binuntis.

Batay sa reklamo ng isang Dariana Trasporte, 55, ng 183 Block 1,  Dubai Baseco Compund, Port Area, sa Maynila na simula noong Disyembre 19 ay hindi na umuwi sa kanilang bahay ang anak na dalagita at nalaman niya na nagtungo ito sa kaniyang tiyahin sa Malabon City.

Subalit noong Di­s­yembre 20 ay nakita ito ng bahay ng nobyo na di kalayuan sa kanilang bahay kaya’t ipinaaresto ni Transporte sa barangay nang malaman na buntis ang kanyang anak batay sa resulta ng medical examination.

Show comments