Tsino tiklo sa P15-M shabu
Angie dela Cruz, (Pang-masa) - December 21, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Isang Chinese national ang nadakip ng mga otoridad sa isang buy bust operation at nasamsam ang mahigit P15 milyon shabu kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Ang suspek ay kinilalang si Xiao Min Chua “alyas Ong”, 45, naninirahan sa 5th Avenue, Caloocan City.

Batay sa ulat, bago naaresto ang suspek dakong alas-9:30 ng gabi sa parking area ng isang convenience store sa panulukan  ng Jupiter at Nicanor  Garcia Sts., Barangay Bel-Air ng naturang lungsod ay nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad mula sa kanilang “asset” hinggil sa gagawing transaksiyon ng suspek.

Kaya’t bumuo ng team na pinagsanib na pwersa ng Makati City Police, SPD at NCRPO at inilunsad ang isang buy bust operation na kung saan ay nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis na bibili ng isang kilong shabu gamit ang marked money na nagkakahalaga ng P1.2 milyon.

Nang magkaabutan ang suspek at ang pulis na poseur buyer ay dito na inaresto ang una.

Bukod sa isang kilo ay narekober din ng mga pulis  mula sa nakaparadang sasakyan ng suspek ang apat na kilong shabu na inilagay sa Christmas gift bag.

Ayon kay NCRPO Chief P/Supt. Joel Pagdilao na may isang buwan nilang isinailalim sa surveillance operation ang suspek. Iniimbestigahan na ng pulisya kung miyembro ng isang sindikato ang suspek.

 

ANG BARANGAY BEL-AIR CALOOCAN CITY CHIEF P GARCIA STS ISANG ISANG CHINESE JOEL PAGDILAO MAKATI CITY MAKATI CITY POLICE SUSPEK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with