Comelec pinababawi ang TRO vs ‘No Bio, No Boto’

MANILA, Philippines – Nakakaantala ang paghahanda na mailabas ang pinal na voter’s list sa inilabas na temporary restraining order (TRO) sa ‘No Bio, No Boto’ng Suprem Court.

Ito ang sinabi ni Co­melec Chairman Andy Bautista dahil target ng kagawarang mailabas ang pinal na voters’ list sa Disyem­bre 15.

Subalit, sakaling maghari ang TRO, kailangang ibalik ang higit dalawang milyong botanteng na-deactivate dahil sa kakulangan ng mga ito ng biometrics.

Makaaapekto ito sa kanilang pinagha­handaang bilang ng mga materyales, partikular na ng mga balotang ipa-iimprenta at mga makinang aarkilahin.

Handa naman aniya ang ahensiyang humarap sa debate kung kaila­nganin, ngunit hiling nila ang agarang pagbawi ng kautusan upang umandar ang lahat ng preparasyon.

Anya, ang polisiyang ‘No Bio, No Boto’ ay hindi pakana ng Co­melec, bagkus ay nakabatay sa Batas Pambansa Blg. 10367 o ang Mandatory Biometrics Registration Act.

Show comments