Kapitan namaril, tripulante todas

MANILA, Philippines – Walang habas na nagpaputok ng baril ang isang kapitan ng fishing vessel na kung saan ay nasawi ang isang tripulante habang tumalon ang dalawa sa karagatan ng Brgy.Bayanihan, Gutalac, Zamboanga del Norte.

 Nasawi noon din ang biktimang si Nestor Besanes, chief engineer, 42. Habang  pinaghahanap si Reynante Calunsag, 33 na sugatang tumalon sa dagat mula sa kanilang bangka matapos mabaril ng suspek.

Nadakip sa isang follow-up operations ang ngayo’y nahaharap sa kasong kriminal ang suspek na si Roldan Avelino, 42, ng Masbate City, Kapitan sa Lighboat na L/B Kaleigh 502 fishing vessel.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi habang namamalakaya ang nasabing fishing vessel sa bahagi ng naturang karagatan nang bigla na lamang barilin ang kaniyang mga tripulante. Nagawang tumalon mula sa bangka ng dalawang tripulante na kinilalang sina Eduardo dela Cerna , 49 at Richard Mendoza, 22 na nailigtas naman ng mga nagrespondeng otoridad habang nagpapalutang-lutang sa dagat.

Pinaghahanap pa ang nawawalang si Calunsag na nagtamo ng sugat sa insidente.

Show comments