Ex-Army itinumba

MANILA, Philippines – Pinagbabaril ang isang retiradong miyembro ng Philippine Army ng hindi pa nakilalang armadong lalaki sa  Brgy. Santiago, Pagadian City, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima na kinilalang si Antonio Arbon, 63, residente ng Brgy. Sta Lucia ng nasabing lungsod na nagtamo ng mga tama ng  bala ng cal. 45 pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-6:00 ng umaga sa kahabaan ng Jamisola Street, Brgy. Santiago, Pagadian City ay katatapos lamang dumalo ng misa ng biktima sa Santo Niño Cathedral at pauwi na sa kanilang tahanan lulan ng motorsiklo nang sundan at pagbabarilin ng suspek pagsapit sa lugar.

Sa pahayag ng mga testigo ang salarin ay sakay din ng motorsiklo na nag-overtake sa biktima saka pinagbabaril ito.

 

Show comments