3 todas sa pamamaril

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang tatlong katao kabilang ang isang 2-anyos na batang babae habang isa ang nasugatan matapos na sila ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Purok 3, Brgy. Upper Sicpao, Sominot, Zamboanga del Sur.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina  Jorge Cataga, 57; Neri Cataga, 53  at Zean Lavaro, 2; pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t- ibang bahagi ng katawan.

Habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang sugatang si Zeo Cataga, 14.

Batay sa ulat, bandang alas-7:40 ng gabi sa nasabing lugar ay nakatambay ang mga biktima nang bigla na lamang pagbabarilin  ng hindi pa nakilalang suspek na hinihinalang kaaway ng isa sa mga biktima.

Show comments