Chopper crash: 9 sundalo nasugatan

MANILA, Philippines – Nasugatan ang 9 sundalo makaraang aksidenteng bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter dahilan sa malakas na hangin sa Sitio Lamsalo, Brgy. Upper Suyan, Malapatan, Sarangani kahapon ng umaga.

Bago nangyari ang pagbagsak ng chopper dakong alas-9:40 ng gabi ay papalanding na ang helicopter nang mag-crash land ito sanhi ng malakas na hangin sa nasabing lugar.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, maulap sa lugar ng mangyari ang insidente bukod pa sa malakas na hangin.

Show comments