Riding in trio todas sa trak

Riding in trio todas sa trak

MANILA, Philippines – Tatlong katao na sakay ng isang motorsiklo ang nasawi matapos na sumalpok ito sa isang truck na puno ng kargang tubo  na nasiraan sa national highway ng Brgy. Tinocuan, Dingle, Iloilo kahapon ng mada­ling araw.

Nasawi noon din ang mga biktima dahil sa mga natamong tama sa ulo na kinilalang sina Raymond Macesar, 36; mga angkas nitong sina Alvin Sobrevega, 31; at Aldrin Palabrica, 19; pawang residente ng bayang ito.

Batay sa ulat ng Iloilo Police, bago nangyari ang sakuna sa   nasabing lugar ay kasalukuyang lulan ng motorsiklo ang tatlong biktima na minamaneho ni Macesar galing sa Pob­lacion at binabagtas ang highway ng Brgy. Tino­cuan patungo sa Brgy.Buenavista ng nasabing bayan.

Dahil umano sa bilis ng takbo ay hindi umano napansin nito ang nakahintong truck matapos na ma-flat ang gulong at tuloy-tuloy itong sumalpok.

Ayon sa pulisya, madi­lim pa sa lugar at posibleng hindi napansin ng driver ng motorsiklo ang warning signal ng nasiraang truck.

Show comments