2 bata tigok sa shotgun ng magbayaw
Ludy Bermudo (Pang-masa) - October 24, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Dalawang batang naglalaro ang namatay habang kritikal naman ang 55-anyos na lalaki matapos tamaan ng bala ng shotgun mula sa nag-aaway na  magbayaw sa Parola Compound, Tondo sa Maynila kahapon ng umaga.

Idineklarang patay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center dahil sa tama sa dibdib ang biktimang si Jemar Lacson, 10, Grade 2 sa P. Guevarra Elementary School at nakatira sa Gate 62, Area H sa nasabing lugar.

Namatay din ang ka­laro nitong si Gerald San Jose, 10, Grade 3 sa Almario Elementary School dahil sa tinamong tama sa mata at sa likod ng ulo.

Isinailalim sa surgical operation ang suga­tang si Luis Almojuela na tinamaan ng bala sa kanang bahagi ng tiyan sa rib cage.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Bernardo Cayabyab, naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa Gate 62 na malapit sa Pasig shoreline.

Nabatid na dumating ang senglot na si Iggi Ingente kung saan kinompronta ng kanyang misis kaugnay sa bisyong pag-inom hanggang sa nauwi sa sakitan gn mag-asawa.

Gayon pa man, sinubukan naman awatin ng bayaw na si Estilo Cinco ang mag-asawa subalit patuloy pa rin sa awayan.

Nang ayaw tumi­gil ang mag-asawa ay kinuha ni Cinco ang shotgun na sinasabing tinatakot lamang ang bayaw kaya ipinampalo ito sa halip na kalabitin.

Dito na aksidenteng nakalabit ang gatilyo ng shotgun kaya pumutok at tinamaan ang dalawang bata at isang matandang lalaking kapitbahay.

Kaagad na tumakas ni Cinco habang sumuko naman si Ingente sa himpilan ng pulisya.

 

ACIRC ALMARIO ELEMENTARY SCHOOL ANG AREA H BERNARDO CAYABYAB CINCO ESTILO CINCO GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER GERALD SAN JOSE GUEVARRA ELEMENTARY SCHOOL IGGI INGENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with