Poe ipinatatawag ng Comelec dahil sa election offense

MANILA, Philippines - Ipinatatawag ng Commission on Elections (Comelec) si Senator Grace Poe para dumalo sa pagdinig ng kasong isinampa sa kanya ni Rizalito David sa reklamong material misrepresentation kaugnay ng kanyang kandidatura sa pagka-senador nuong 2013.

Inatasan din ng Co­melec Law Dept. si Poe na magumite ng kanyang  counter affidavit.

Sa reklamo ni David, iginiit nito na nakagawa ng misrepresentation si Poe kaugnay ng kanyang deklarasyon sa kanyang Certificate of Candidacy noong 2012 tungkol sa kanyang citizenship at haba ng pananatili sa Pilipinas.

Naniniwala si David na si Poe ay hindi natural born citizen at hindi rin siya nakatugon sa dalawang taong residency requirement para sa pagka-senador.

Show comments