7-adik timbog sa shabu session

MANILA, Philippines - Kalaboso ang pitong adik matapos na maaktuhan sa  shabu session sa isinagawang drug-bust operation sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Pormal na kakasuhan ang mga suspek na sina Maricel Mendoza, 34; Rommel Santos, 36; Edwin Cata, 43; Alfie Legaspi, 20; Lhoy Garcia, 35; Dennis De Jesus, 38, ng Brgy. San Roque, Pandi, Bulacan; at ang 16-anyos na lalaki.

Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Rodolfo Hernandez, dakong alas-5:30 ng hapon nang salakayin ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ang bahay ni Manolito “Doro” Santos sa Sitio Luwasan na tinaguriang drug den.

Gyon pa man, nakataks si Manolito habang ang mga suspek naman ay naaktuhan sa shabu session.

Nasamsam sa mga suspek ang ilang piraso ng sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Show comments