Kelot timbog sa P2.7-M shabu

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang 40-anyos na lalaki sa isang  buy bust operation at nasamsam dito ang nasa P2.7 milyong halaga ng shabu sa Bacolod City.

Ang suspek ay kinilalang si Ritche Gonzales Villanueva, alias Inlay, ng Manapla, Negros Occidental.

Nakuha sa suspek ang  10 heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu na may mahigit  455 grams.

Ang suspek ay kinasuhan ng paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) at Section 11 (possession of dangerous drugs) ng Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments