3 Abu, arestado

MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto ng tropa ng pamahalaan noong alas-6:30 ng gabi ng Martes sa paligid ng Bud-Taran, Indanan Sulu.

Kasalukuyang hindi muna ibinunyag ang mga pangalan habang isinasailalim sa imbestigasyon upang matukoy kung ang mga ito ay may partisipasyon sa pagdukot kay Naga, Zamboanga Sibugay Mayor Gemma Adana.

Ang pag-aresto sa mga suspek ay nangyari ilang minuto lang nang pinakawalan ng Abu Sayyaf ang bihag na si Adana sa munisipalidad ng Indanan, pagkatapos ng anim na buwan at pitong araw sa pagkabihag.

Show comments