^

Police Metro

Aurora nasa signal #4; 7 lugar signal #3... ‘Lando’ lalo pang lumakas

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patuloy na nagbabanta ang bagyong Lando sa lalawigan ng Aurora, Isabela at Northern Luzon matapos itaas ng PAGASA sa signal# 4 ang una habang nasa signal #3 ang pitong lugar.

Nabatid na alas-5:00 ng hapon kahapon, si Lando ay namataan ng PAGASA sa la­yong 230 kilometro ng silangan ng Baler, Aurora  taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 175 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 210 kilometro bawat oras.

Si Lando ay kumikilos pakanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.

Kaya’t itinaas sa signal number 4 ang lalawigan ng Aurora at signal number 3 sa Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Ifugao, Northern Quezon kasama na ang Polillo Islands.

Signal number 2 naman sa Cagayan kasama na ang  Calayan at Babuyan group of Islands, Benguet, Mt. Province, Abra, Kalinga Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur,  La Union, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, nalalabing bahagi ng  Quezon, Camarines Norte  at Metro Manila.

Signal number 1 sa Batanes, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas, Lubang Island, Northern Oriental Mindoro, Marinduque, Camarines Sur, Albay at Catanduanes.

Ngayong linggo ng hapon, si Lando ay nasa bisinidad ng Nagtipunan, Quirino at sa Lunes ng hapon ay nasa Lubuagan, Kalinga.

Sa Martes ng hapon ay nasa layong 20 kilometro ng hilagang kanluran ng Aparri, Cagayan at sa Miyerkules ng hapon, si Lando ay inaasahang nasa layong 70 kilometro timog ng  Basco, Batanes at sa Huwebes ay nasa layong 130 kilometro ng hilagang silangan ng Basco, Batanes.

vuukle comment

ANG

BASCO

BATANES

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

ISABELA

KALINGA APAYAO

KILOMETRO

LANDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with