K12 senior high school palalakasin ni Vice Mayor Joy B

MANILA, Philippines - Mas lalo pang  pala­lakasin ni QC Vice Mayor Joy Belmonte  ang kaalaman at kasanayan ng mga kabataang mag-aaral sa QC nang pangunahan ang isang malakihang K12-Senior-High School Fair program sa Liwasang Aurora ng QC Memorial Circle.

Layunin ng programa ay mapadali ang mga kabataang mag-aaral na magdesisyon kung ano ang gustong kuning kurso pagdating ng college  upang mas madaliang makahanap ng trabaho.

Sa programa ay nagkaroon din ng career orien­tation at naipamalas ng mga school owners ang mga paraan na kanilang ginagawa bilang suporta sa K12 program sa QC.

Show comments