^

Police Metro

12 sasakyan inararo ng oil tanker: 1 patay, 9 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang rider ng motorsiklo habang 9 pang rider ang nasugatan matapos na araruhin ng isang oil tan­ker ang 10 motorsiklo,1 SUV at UV Expresss Van kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Joseph Garcia, 21, may-asawa ng Barangay Commonwealth.

Ang mga nasugatan ay ang mag-amang sina Alvin Bajita, 36, at Aiko, 18; magpinsan na sina Dionisio Quiap,38, at Antonette Quiap, 34;  Joe Guillan Monterona, 20, Shyrelle Rizardo, 35; Roselo Ronda Rosales, 37; Quenlor Ronda, 36; at Roselle Baltimor 28; at Vinasoy Fernando, 54.

Kusang sumuko sa otoridad ang driver ng oil tanker (UVC-687) na si Ressel Roy Uyad, 26 na  kakasuhan ng kasong reckless imprudence resulting to  homicide and multilple physical injuries at damage to pro­perties.

Batay sa ulat,bago nangyari ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa eastbound lane ng kahabaan ng Commonwealth Avenue kanto ng Tandang Sora, partikular sa harap ng isang botika galing ang oil tanker sa Nagtahan Depot at maghahatid ng diesel na gagamiting pang aspalto sa bahagi ng Litex nang mawalan ito ng preno.

Dito ay unang binangga ang nakaparadang Honda City (WPF-738) na minamaneho ni Marlon Dimatawaran at UV Express Van (ADA-4498).

Subalit,hindi huminto ang tanker at tuloy-tuloy na inararo ang mga motorsiklo na nasa intersection ng Tandang Sora sanhi para magulungan si Garcia at namatay noon din.

Ang  mga  nasugatan ay isinugod sa East Avenue Medical Center at sa Far Eastern University (FEU) Hospital.

ACIRC

ALVIN BAJITA

ANG

ANTONETTE QUIAP

BARANGAY COMMONWEALTH

COMMONWEALTH AVENUE

DIONISIO QUIAP

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EXPRESS VAN

EXPRESSS VAN

TANDANG SORA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with