Pulis inutas ng gang

MANILA, Philippines - Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang pulis matapos na ito ay pagtulungang saksakin ng isang grupo ng mga kabataan na sumugod sa kanya habang nagpapatrul­yang mag-isa kamakalawa ng gabi sa Davao City.

Ang nasawi ay kinilalang si SPO1 Vivencio Virtudazo na nakadestino sa Toril Police Station.

Batay sa ulat, nagsagawa ng mobile patrol si SPO1 Virtudazo sa may kanto ng Lao at Agton St. Toril nang bigla na lamang umanong nilapitan ng grupo ng kabataan at walang kaabog-abog na sinaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga kabataang suspek.

Show comments