1-anyos napisak ng trak

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang 1-anyos na batang lalaki matapos na ito ay masagasaan ng trak kamakalawa sa kahabaan ng Brgy. Road ng Sitio Cocaoc, Brgy. Poblacion, Bugallon, Pangasinan.

Ang nasawi ay kinilalang si James Luke Pantanoza, anak ni Gng. Gemma Pantanoza.

Batay sa ulat, bago nangyari ang sakuna dakong alas-5:00 ng hapon sa nasabing highway ay nakalingat ang kasambahay  ng bata nang bigla itong magtatakbo.

Nagkataon na para­ting ang Isuzu Elf truck (YKV 768) na minamaneho ni Warren Mark Manzon, 23 at nasagasaan ang bata at nakaladkad pa ng ilang metro.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver.

Show comments