Kotongerong traffic enforcer sinibak ni Tolentino

Sinibak ni MMDA Chairman Francis Tolentino si Joel Vargas, na nakatalaga sa isang team na nanghuhuli ng mga motoristang nag-o-overspeeding sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.?  File photo

MANILA, Philippines - “Hindi natin kukunsintihin ang pangongotong”!? 

Ito ang sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino kasabay nang pagsibak sa traffic enforcer na naaktuhan sa video na nangingikil sa isang motorista sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.? ?

Sinibak ni Tolentino si Joel Vargas, na nakatalaga sa isang team na nanghuhuli ng mga motoristang nag-o-overspeeding sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.? 

Nabatid na na-record ng motorista, na nakilalang si Dianne Versoza, ang kanilang usapan ni Vargas at in-upload ang video sa online motorist site na Top Gear.

Show comments