Sarmiento naupo na bilang bagong DILG Chief

MANILA, Philippines - Naupo bilang bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Representatives Mel Senen Sarmiento kapalit ni Sec. Mar Roxas.

Kabilang sa mga sumaksi sa seremonya sina House Speaker Sonny Belmonte,Philippine National Police (PNP) chief P/Director Gen. Ricardo Marquez, kagawaran ng Bureau of Fire Protection C/Supt. Ariel Barayuga, mga opisyales ng DILG at mga Local Government Units.

Bago ang turn-over ceremony ay pinasalamatan ni Roxas ang lahat ng mga opisyales dahil sa pakikiisa ng mga ito para maitaguyod ng maayos ang pamamahala.

Pinasalamatan naman ni Sarmiento sa pagtanggap ng maluwag bilang kapalit niya sa DILG at naniniwalang hihigitan pa nito ang mga nagawa ng ahensya sa mga pamamalakad at proyekto.

Bukod sa watawat na simbulo ng leadership, itinurn-over din ni Roxas kay Sarmiento ang mga tsinelas na sumisimbulo anya ng pangangailangan ng maraming mamamayang mahirap na dapat ay matugunan ng pamahalaan.

Show comments