6 patay sa highway tragedy

MANILA, Philippines – Patay ang anim-katao makaraang magsalpukan ang dalawang sasakyan sa kahabaan ng Mahar­lika Highway sa Km 27, Barangay Lasang sa Davao City, Davao del Sur kamakalawa ng gabi.

Base sa police report na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Jacinto Yamomo, 60; Jeoffrey Yamomo, 36; Javencia Pilapil, 4; Fe Gamat, 50; Victoria Ogahayon, 67; at si Presentasyon Yamomo na mga nakatira sa Pioneer Village, Digos City sa Davao del Sur.

Nabatid na pauwi ang mga biktimang lulan ng Mitsubishi Adventure na may plakang LFN-205 nang makasalpukan ang cement mixer truck (AAF-8325) na minamaneho ni Jaime Trazona pagsapit sa nasabing lugar.

Sa lakas ng salpukan ay nawasak ang uma­hang bahagi ng dalawang sasakyan na nagresulta sa pagkamatay ng driver at pasahero ng nasabing van.

Kasalukuyang nakakulong ang driver ng truck habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanya.

Show comments