Mataas na lider ng CPP-NPA, tiklo
Joy Cantos (Pang-masa) - September 4, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Nadakip nang pinagsanib na elemento ng militar at pulisya ang isang mataas na lider ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa isinagawang operasyon sa bayan ng Maco, Compostela Valley kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasakoteng mataas na lider ng CPP-NPA na si  Francisco Saramosing alyas Cadena at Isko na pinuno ng Sub Regional Peasant Bureau ng Executive Committee ng Samahang Regional Committee 2 at nagsilbi rin bilang dating Kalihim ng Guerilla Front 27 sa ilalim ng Southern Mindanao Regional Committee ng NPA rebels.

Sa ulat, bandang alas-5:00 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa bisa ng mga warrant of arrest  na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 3 ng Nabunturan, Compostela Valley sa kasong ‘destructive arson’ at murder noong Setyembre 17,2008; Oktubre 18, 2014 at Marso 23, 2015 at walang inirekomendang piyansa ang korte.

CADENA COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES COMPOSTELA VALLEY EXECUTIVE COMMITTEE FRANCISCO SARAMOSING GUERILLA FRONT NEW PEOPLE REGIONAL TRIAL COURT SAMAHANG REGIONAL COMMITTEE SOUTHERN MINDANAO REGIONAL COMMITTEE SUB REGIONAL PEASANT BUREAU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with