^

Police Metro

Bangkay ng 2 katao tinangay ng alon sa Zambales, natagpuan

Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines – Natagpuan na kahapon ang katawan ng dalawa sa tatlong taong iniulat na nawawala makaraang tangayin ng ma­lakas na alon habang naliligo sa baybaying dagat sa bayan ng Candelaria, Zambales noong Lunes.

Sa ulat ni P/Inspector Bryan Christopher Baybayan, hepe ng pulisya positibong kinilala ng pamilya ang bangkay ni Joel Corpuz, 41, ng Purok Langka, Barangay Malabon, at ang ma­ngingisdang si Ernesto Estella, 56.

Ang katawan ni Corpus ay nakita kahapon ng umaga na may isang kilometro ang layo mula sa pinag­liguan nito, samantalang ang katawan ni Estella ay natagpuan naman ng mga kagawad ng Red Cross Rescue Team sa bahagi ng Barangay Longos, Sta. Cruz,  Zambales na may 10 kilometro ang layo.

Pinaghahanap pa rin ang nawawalang si Jayson Torno, 8, pamangkin ni Corpuz.
Magugunita na noong Lunes ng alas-3:30 ng hapon ay nagkayakagang maligo sa dagat ang grupo nina Corpuz, ang step-daughter nitong si Janica Joy Torno, 6, at mga pamangking sina Christine Joy, 12; Jerico, 13 at Jayson, 8.

Sa gitna ng kasiyahan, isang malakas na alon ang tumangay sa grupo patu­ngo sa malalim na bahagi ng dagat at masuwerteng nakabalik sa baybay sina Janica, Christine at Je­rico, ngunit sina Corpuz at Jayson ay patuloy na tinangay ng alon.

Ang dalawa ay tinangkang tulungan ni Estrella na noon ay nangingisda sa lugar, ngunit ito man ay tinakluban ng malalaking alon at tinangay patungo sa malalim na bahagi.

Paliwanag pa ni Baybayan, ang lugar na pinag­liguan ng mga biktima ay malapit sa bunganga ng ilog kung kaya ma­lakas ang under water current dito na labis na mapanganib para sa mga naliligo.

ACIRC

ANG

BARANGAY LONGOS

BARANGAY MALABON

CHRISTINE JOY

CORPUZ

ERNESTO ESTELLA

INSPECTOR BRYAN CHRISTOPHER BAYBAYAN

JANICA JOY TORNO

JAYSON

JAYSON TORNO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with