Bus na swak sa kanal: 29 sugatan

MANILA, Philippines - Nasugatan ang nasa 29 pasahero makaraang aksidenteng mahulog sa kanal ang sinasakyan nilang bus nang makaidlip ang driver naganap kahapon ng madaling araw sa Davao City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente  dakong alas-2:15 ng madaling araw sa kahabaan ng highway ng Sitio Bugac Brgy. Suawan  ng lungsod ay kasalukuyang buma­bagtas sa lugar ang Rural Transit Bus na may body number 2845 na may lulang 40 pasahero galing sa Cagayan de Oro at patu­ngong Davao City.

Pagsapit sa lugar ay naidlip umano ang driver ng bus na si Rey Aganap na nagbunsod upang mahulog sa kanal ang  nasabing bus.

Kaagad namang nilapatan ng 1st aid  ang mga biktima bago dinala sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Show comments