Banyaga tumalon mula sa ika-5 palapag

MANILA, Philippines - Patay noon din ang isang 52-anyos na Swiss national matapos itong tumalon mula sa ikalimang palapag ng tinutuluyang hotel room sa Brgy. Ba­libago, Angeles City, Pampanga noong Biyernes ng alas-10:00 ng umaga.

Basag ang bungo at nagkabali-bali ang buto ng biktimang si Daniel Rolf Balmer na unang tumama ang ulo nito malapit sa swimming pool ng tinutuluyan nitong Queens Hotel na matatagpuan sa Sta. Maria 1 Subdivision, Brgy. Balibago ng lungsod.

Nabatid na regular na kustomer sa Queens Hotel sa loob ng nakalipas na ilang taon ang biktima na madalas itong mag-checkin kasama ang transgender nitong kasintahan na si Jinalyn Larazo Mustacho na lumabas ng hotel para bumili ng pagkain.

Sa pahayag ni Mustacho sa mga otoridad mara­ming beses na umanong nagtatangkang mag-suicide ang biktima bagaman napipigilan niya ito.

Show comments