Tumawag ng kalbo, dedo sa suntok

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 30-anyos na lalaki nang ito ay pagsusuntukin ng kanyang naging kainuman na tinawag nitong kalbo kamakalawa sa Brgy. San Isidro, San Lorenzo Ruiz,Camarines Norte.

Ang nasawi ay kinila­lang si Zaldy Delos Santos, 30, residente ng Purok 4, ng nasabing barangay.

Sa salaysay ng dalawang saksi na sina Ervin Balistoy at Alvin Siodedamo, dakong alas-9:45 ng gabi ay kasama nila ang biktima nang magkayayaan na mag-inuman sa bahay ng suspek na si Dante Bonita, 30.

Matapos ang inuman at lasing na ang biktima ay sinigawan nitong kalbo ang suspek na napikon kaya’t nagkaroon nang mainitang pagtatalo hanggang sa magkasuntukan.

Nang bumagsak ang biktima ay hindi pa rin ito tinantanan ng suntok ng suspek hanggang sa ito ay mawalan ng malay tao.

Dinala ang biktima ng mga kasama sa ospital, subalit idineklara itong dead on arrival habang ang suspek ay tumakas.

Show comments