Gng. Arroyo, pinayagang bumisita sa may sakit na kapatid

MANILA, Philippines - Pinayagan ng Sandiganbayan First Division si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Congw. Gloria Macapagal Arroyo na madalaw ang kanyang kapatid na naka-confine sa Makati Medical Center.

Nabatid na limang oras ang ibinigay kay Gng. Arroyo ng Sandiganbayan  para madalaw ang kapatid na si Arturo Dela Rosa Macapagal mula alas-3:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi ngayon.

Si Arturo, panganay sa apat na magkakapatid, ay napaulat na may prostate cancer.

Sinabi ng Sandiganbayan, kay Arroyo, at hindi sa gobyerno, ang gastos ng kanyang pagbisita sa kapatid.
Naka-hospital arrest si Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa kasong plunder, kaugnay ng umano’y paglustay ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

 

Show comments