^

Police Metro

2 collector utas sa tandem

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa binawian ng buhay noon din ang dalawang lalaking collector ng isang financing firm at mga opisyal din ng barangay matapos na sila ay pagbabarilin at tangayin ang dala nilang pera ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa sa barangay road ng Brgy. San Jose, Cataingan, Masbate.

Ang dalawang nasawi dahil sa tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinila­lang Serafio Bedrejo Jr., 47-anyos, barangay kagawad ng Brgy. Matangtang, Placer, Masbate at barangay tanod na si Edwin Dacay,  49-anyos, biyudo.

Batay sa ulat, pabalik na sa opisina ng Gweneh Finan­cing Institution na matatagpuan sa Poblacion Cataingan, Masbate ang dalawang biktima sakay ng kanilang motorsiklong Euro nang harangin at walang sabi-sabing pinagbabaril ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Matapos na masigurong wala ng buhay ang mga biktima ay kinuha ang nakolektang umaabot sa halagang P100,000 at tumakas tangay rin ang gamit na motorsiklo ng mga biktima. - Francis Elevado-

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATAY

BRGY

EDWIN DACAY

FRANCIS ELEVADO

GWENEH FINAN

MASBATE

POBLACION CATAINGAN

SAN JOSE

SERAFIO BEDREJO JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with