Lola nasagasaan ng cement mixer truck

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 68-anyos na lola nang masagasaan at magulungan ng isang cement mixer kahapon sa Makati City.

Ang nasawi ay kinilalang si Rosalinda Lastico, ng 9660 Kalayaan Avenue kanto ng Jacinto St., Barangay Guadalupe Nuevo ng naturang lungsod.

Ang driver na kakasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide ay si Mark Aquino, 34, ng Calero Bridge, San Rafael III, Noveleta, Cavite.

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga sa kanto ng Kalayaan Avenue at Jacinto St., Barangay Guadalupe Nuevo ng naturang siyudad ay papatawid ang biktima nang mahagip  ng cement mixer truck (UQY-440) na minamaneho ni Aquino na kung saan ay nagulungan si Lastico.

 

Show comments