Seaman dakip sa shabu

MANILA, Philippines – Naaresto sa isang entrapment operation ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang seaman sa isang resort sa Laguna.

Ang suspek ay kinilalang si Reynaldo Baldemora, 42, seaman, may-asawa, at nakatira sa General Luna Street, Barangay Wawa, Lumban, Laguna.

Sa ulat, nakipagtransaksyon ang mga otoridad sa suspek para bumili ng isang plastic sachet ng 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P100,000 at magkikita sa harap ng Villa Samonte Resort sa Barangay Lewin-Ibaba, Lumban.

Nang magbabayaran ay dito na inaresto ng mga operatiba ng PDEA ang suspek.

 

Show comments