Paslit nalunod dedo

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang taong gulang na batang lalaki nang umano’y malunod sa abandonadong swimming pool sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon biktima ay nakilalang si Steven Bonnie Tejada, residente sa Interior 3, Main Horshoe Drive, Brgy. Horshoe sa lungsod.

Sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas 4:30 ng hapon sa compound na matatagpuan sa No. 23 Ilang-Ilang st., Barangay Immaculate Concepcion, kung saan nag-oopisina ang  ina ng biktima na si Wilma Tejada.

Sinasabing habang gumagawa ng kanyang paper works si Tejada at hindi na nakita ang anak kaya agad na hinanap. Laking gulat nito ng makitang nakalutang ang bata sa tubig at patay na.

Agad na iniahon ni Tejada ang anak sa pool saka isinugod sa National Children’s hospital, pero idineklara rin itong dead- on-arrival, ganap na alas 5:07 ng hapon.

Show comments